Tuesday, August 07, 2012

Flood experience.


Ayoko na munang mag-english english dito sa post na 'to. Gusto ko lang naman irant yung naexperience ko kahapon. :)

August 6, 4pm nagdecide na ako na pumunta ng UPDiliman para manuod ng Oros kasi nahihiya naman ako dun sa mga organizers na pinagtanungan ko ng ganito ganyan. So bumiyahe akong mag-isa kahit sobrang lakas na ng ulan. Yung mga kaklase ko winarningan na ako na wag na tumuloy kasi baka daw mastranded pa nga ako. Eh eto naman ako, go pa rin ng go. Nakarating naman ako ng QC safe and sound. Medyo naliligo na nga lang yung paa, foot socks at sapatos ko sa tubig kasi yung ibang nadadaanan ko matubig na. Anyway, so tuloy ang laban. Kumain muna kami ng friend ko sa SC tapos deretso na sa Film Institute, nanuod ng film tapos mga 9:20 natapos na siya. Naglakad kami from Film Institute to Ilang Ilang dormitory tapos nakasakay na ako ng jeep pa mrt. So okay na, basta umabot lang ako ng 10pm sa mrt okay na okay na ako. Eh etong si Kuya driver #1 masyadong masaya, kung ano ano mga pinagsasabi "O, ne pasok na kayo maluwag pa pwedeng pwedeng humiga" etc. Pagdating sa Quezon Ave. panic na ako sa paglalakad, kahit ang sakit sakit na ng legs ko makatawid lang ako nung pa-Southbound. Sad news, sarado na yung MRT :( Hindi ko na alam gagawin ko, bumaba ako tapos sumakay ako ng bus yung dadaan sa Baclaran. Hindi ko naman alam na yung bus, iikot pa sa buong Ayala anak ng tinapa. So nasa bus ako ng 2 hours. Nawitness ko yung pagtaas ng tubig sa Makati. Buti nalang nasa bus ako, kaya niyang sumuong sa waist-deep flood. Nakita ko rin yung baha sa may PNR. Paglagpas namin ng Gil Puyat, medyo okay naman sa Roxas Blvd. Mahina na yung ulan tapos thank god nakasakay na ako ng van pa-Cavite. THE ADVENTURE BEGINS.
12am, nakaalis na kami ng Baclaran, nagtaka ako bakit Sucat-way yung dinaanan ni Kuya. Kung san sang street kami dumaan. Pagdating namin sa NAIA-Kabihasnan epic traffic. Biglang kumanan si Kuya driver at hello, dadaan ka rin pala sa Coastal Road peste. Paglagpas namin ng Toll Gate, oh hello sa mga inabandonang private cars at traffic. Sige, kaya pa. Medyo umiinit na yung pwet ko tsaka manhid na yung paa. Nanuod nalang ako ng videos sa ipod ko kasi lowbat na yung phone ko. Nakalagpas na kami sa traffic, pagdating namin sa tapat ng St. Dominic. Shit si Kuya naduwag, pwede naman niyang ikutin yung Mcdo or dumeretso na sa baha kasi saglit lang yung after nun okay na. So dinaan niya kami sa Zapote. Anak ng pucha, ayan na. Medyo nakakakita na ako ng baha. Nagpaparinig na ako. Medyo naiiyak narin ako kasi 130am na, may shoot pa kami kinabukasan at ayoko mastranded. Si Kuya deretso pa, eh biglang naduwag na naman. Alam mo Kuya, kung san san ka kasi sumusuot. Di mo man lang kami kinakausap at inaupdate sa desisyon mo. Medyo tumigil kami kasi nga naduwag si Kuya. Pinaka-slow na driver na nakita ko. Mga 2:30 na andun parin kami, di ko na kaya nagreklamo na ako. Tumataas na yung tubig eh yung lugar dun umaabot lagpas tao. Mga 3pm naisipan na ni Kuya magpatulak. Tinaas ko na yung bag ko tsaka paa ko. Ayan na habang tinutulak yung van, pumapasok yung tubig sa loob at nararamdaman ko na yung lamig ng tubig sa upuan ko. Shit eto na naman tinigil na naman ni Kuya, medyo 3am na nun. Isa isa ng umalis yung mga tao sa van. Medyo mahina naman na yung ulan so medyo nag-iisip isip na rin akong bumaba tsaka maglakad nalang sa baha. Fudge. First time kong lulusong sa baha. Buti nalang, yung katabi kong ate, willing akong sabayan. Naglakad na kami, hanggang tuhod lang naman yung tubig pero maalon siya. Live kong nakikita yung uhipan T_T lakad pa, tapos somewhere there nakakita kami ng tricycle. Kinontrata na namin siya, tig 60php kami ni Ate hanggang Jolibee Molino. Fuck what a very long tricycle ride. Wala namang scary na baha na nadaanan namin. Puro hanggang tuhod nalang talaga. Naghintay ako ng jeep pa-Paliparan, ang tagal swear pero buti merong dumaan. HUHU finally, mga 4am nakauwi na ako. Thank you Lord, safe akong nakauwi. Nakakaiyak na experience. Ayoko na ulit umalis pag ganun yung ulan. Papaka-bum nalang ako sa bahay. Buti nalang talaga hindi bahain yung area namin. As in no signs of flood. Thank you lord :)


No comments:

Post a Comment