Saturday, January 28, 2012

Golden Batch

Hindi naman sa pagmamayabang, pero oo Golden Batch kami. Hindi ko alam kung bakit iba yung batch namin sa mga batch ngayon sa course namin. Pare-parehas lang din kami ng dinaanang tasks as a college student. Simula nung first year kami, parang nakaset na yung mind namin na dapat palagi kaming manalo sa mga contests na kailangan naming salihan. Syempre, hindi rin naman sa contests pero academics din. Integration Dance, Cheering tapos ngayong 3rd year na kami, Reader's Theater and napanalo namin as champions. Sa batch namin, dun mo makikita yung mga presidents ng bawat organization na active sa buong CAS. Lahat kami busy, may majors pa pero nagagawa naming maging competitive sa lahat ng bagay. Minsan masama rin namang maging competitive, pero iba parin talaga yung feeling na yung mga pinagpaguran at pinagpuyatan mo may mga kinahinatnan na maganda :) 

Narealize ko din na hindi kailangan ng tulong ng iba para magsucceed ang isang tao o isang grupo. Dapat matutong tumayo sa sariling mga paa. Makapag decide kung ano sa tingin nila ay tama na makakatulong sa kung ano man ang gagawin ng isang tao. Isa pa dun, kailangan talaga na nagkakaintindihan ang bawat miyembro ng isang group tsaka pinagkakatiwalaan nila ang isa't isa para mas maganda yung harmony. Mahirap kasi yung aasa ka ng aasa sa iba. Tapos sa huli ka magsisisi kung kelan tapos na.

No comments:

Post a Comment